Page

EXTREMISM

EXTREMISM

Policy and Procedure


 Pagkasobra o Pagiging Panatiko

Patakaran at Pamamaraan

1. Inihayag na Patakaran

1.1 Ang mga Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay isang pangkawang-gawang organisasyon kung saan layunin nito na turuan at bigyang liwanag ang tungkol sa Islam sa pamamagitan ng pag-alis sa mga balakid at paglilinaw sa mga maling kuro-kuro. Ito ay ginagawa gamit ang makabagong pang-edukasyong teknolohiya at mga pamamaraan ng pagsasanay, at pagbibigay ng regular na mga kursong pag-aaralan sa online, gamit ang modernong pamantayang pang-akademiko.

1.2 Sa pagpapatuloy ng layuning ito sa pagtataguyod ng Islamikong kaalaman at edukasyon, ang mga Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay palagiang nag-aanyaya ng mga tagapagsalita at mga iskolar mula sa buong mundo upang talakayin ang Iba't-ibang mga paksa. Ang mga bisitang Tagapagsalita ay pinili dahil sa kanilang katalinuhan, kakayahang hamunin ang mga tagapakinig, may kakayahang  magbigay ng mga bagong pananaw at  kanilang  mabuting reputasyon. Pinahahalagahan ng mga manonood  ang mga mabuting tagapagsalita at tinatanggap ang mga oportunidad at maghanap ng  pangrelihiyong kaalaman.

1.3 Ang mga Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay pinakikilala ang tungkuling ito sa mga manonood na kanilang pinagsisilbihan at ang malaking komunidad kung saan ito pinapatakbo. Samakatuwid, ang pag-aanyaya ng mga kilala, popular na mga tagapagsalita ay kinakailangan upang matupad natin ang depinitibo o tinutukoy na layunin. 

1.4 Kinikilala rin natin na mayroon tayong tungkulin sa ilalim ng batas na siguraduhin na ang ating kawang-gawa ay hindi magagamit sa pagsasalita  at mga aktibidad na ipinagbabawal. Magpapatuloy ang organisasyon na tiyakin na ang mga mensaheng ibibigay sa entablado ay hindi maghihikayat o magdudulot ng pagkamuhi, pagiging panatiko o pagkapoot sa pagitan ng pangkat ng mga tao, o mga sangay ng lipunan.


Sa lawak nito ay gagawin natin na:

• Titiyakin na gagawin ang mga hakbang sa mga kasangkot sa Sugo ng Akademya ng Kapayapaan at sa pagbibigay ng mga aktibidad na ito na may kinalaman  sa karahasan, terorismo  at krimen dulot ng galit.

• Titiyakin na gagawin ang mga hakbang upang masiguro na ang mga kasangkot sa Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay hindi lalabag sa nakasaad na batas (halimbawa)

• Paghihikayat o pagpuri sa terorismo 

• Nag-uudyok ng pagkamuhi sa lahi o relihiyon

• Nag-uudyok sa paggawa ng krimen o paglabag sa pampublikong kaayusan

• Titiyakin na ang mga pamamaraan ay nasa tamang lugar upang maiwasan ang pagtataguyod ng anumang karahasan at terorismo sa ating mga entablado o mga aktibidad.

• Ang ating patakaran at mga pamamaraan ay kinapapalooban din ng mga aktibidad sa online, pang-edukasyon, at pangkomersyong mga kagamitan na ginawa ng mga Sugo ng Akademya ng Kapayapaan.

• Alinsunod sa Islamikong pangangailangan ay titiyakin namin na ang aming mga gawain ay naghihikayat ng mabubuting ugnayan, pagkakaisa at paggalang sa pagitan ng mga komunidad, paniniwala at mga lahi.

• Alinsunod sa Islamikong pangangailangan ay titiyakin din namin na ang wikang gagamitin ng ating mga tagapagsalita ay nasa hanay ng pag-uugali dahil ang pagsasalita ay manggagaling sa Qur'an at Sunnah.


2. Pamamaraan 

2.1 Tungkulin:

2.1.1 Ang mga kawanggawa at kanilang mga tagapangasiwa ay dapat sumunod sa pangkalahatang batas. Ito ay nangangahulugan na hindi sila dapat nagtataguyod o sumusuporta sa pananaw ng mga taong naniniwala sa pagkalabis o gawain na nagtataguyod ng terorismo ideolohiya ng terorista sa pamamagitan ng pangkawang-gawang gawain.

2.1.2 Bilang bahagi ng kanilang pangkawang-gawang tungkulin, ang tagapangasiwa ay dapat na laging kumilos para sa pinakamahusay na kapakanan ng kanilang kawanggawa. Dapat silang kumilos ng makatwiran at maingat at dapat nilang tiyakin na ang mga pondo sa kawanggawa, mga ari-arian at reputasyon ay hindi malalagay sa malaking peligro, at ito ay pagsunod sa mas malawak na ligal na balangkas. Hindi dapat sila makiisa sa mga gawain kung saan magdadala ito sa isang makatwirang miyembro ng publiko upang isama ang suportang pangkawang-gawang terorismo.

2.1.3 Ang lahat ng mga tagapangasiwa, kawani at mga boluntaryo na nagtatrabaho sa Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay pipirma ng isang kasunduan na nagsasaad na kanilang binasa, naintindihan, at susunod sa patakaran at sa pamamaraang ito. Ang pinirmahang kasunduang ito ay itatago sa aming mga dokumento.


2.2 Mga Tagapagsalita, Gabay, at Kontrobersya

2.2.1 Sinuman na ang mga pananaw ay nagpapakita ng isang tunay na panganib na lalabagin ang batas, mabuting ugnayan sa komunidad, at magandang pangalan ng pangkawang-gawang institusyon ay hindi inaanyayahan. Ang lahat ng mga imbitadong tagapagsalita ay makakatanggap ng isang personal na eksplanasyon ng ating patakaran. Dapat silang lumagda sa isang kasunduan na susunod sa ating patakaran. Ito ay itatago sa ating dokumento. 

2.2.2 Gagawa tayo at magbibigay ng isang pangkalahatang pahayag ng patnubay para sa mga tagapagsalita upang pigilin ang sarili mula sa pagiging mapangahas at pagkapoot, labag sa batas na pahayag. Kabilang din dito ang patnubay mula sa Qur'an at Sunnah ng Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) sa pinakamahusay na paraan ng pakikipag-usap at pag-uugali na sumusunod sa pangrelihiyon o di-pangrelihiyong mga paniniwala, at ang tungkulin na magkaroon ng mabuting pakikisama sa kanyang mga kapit-bahay at mga komunidad. 

2.3 Paglalathala, Pang-edukasyon at Pagpapalaganap

2.3.1 Mga Kagamitan 

• Anumang kagamitan sa mga kurso at mga libro o iba pang mga paglalathala ay susuriin din para sa pagsunod sa patakarang ito, bago ilathala at ipamahagi. Anumang mga babasahin, publisidad, at mga kagamitan sa pagpapalaganap kabilang ang mga ilalabas sa media, mga panayam at nilalaman ng website, ay parehong kabilang sa masusing pagsisiyasat bilang mga tagapagsalita. 

3. Pagtanggi

Pinahahalagahan din natin ang kalayaang mag-isip at pagpapahayag ng ating kawani at mga mag-aaral. Ang mga taong kasapi o miyembro ng Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay inaasahan na magsasalita at magpapahayag ng pampublikong malawak na pananaw sa Iba't-ibang mga suliranin, kabilang ang paksa na nagnanais lumikha ng mainit na pampublikong  talumpati. Ang mga ito, gayunpaman, ay kanilang mga pansariling pananaw at hindi sumasalamin sa opisyal na mga patakaran o mga posisyon ng Sugo ng Akademya ng Kapayapaan, kung saan, bilang institusyon ng pag-aaral o Akademya, ay hindi naninindigan sa pampulitikang mga bagay o usapin.