Page

SPEAKERS Policy and Procedure


SPEAKERS Policy and Procedure


SPEAKERS

Policy and Procedure

Patakaran at Pamamaraan ng mga Tagapagsalita 

Mga Tagapagsalita 

Patakaran at Pamamaraan

1. Inihayag na Patakaran

1.1 Ang Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay isang pandaigdigang organisasyon na humihikayat sa mga mag-aaral at mga tagapagsalita sa buong mundo. Dahil dito, pinakamahalaga na ilagay natin ang ating mga sarili sa mataas na pamantayan na nakabalangkas sa ating Propeta (sumakanya nawa ang kapayapaan at pagpapala ng Allah) at sa ating relihiyon, ang Islam. Samakatuwid, napakahalaga na tiyakin natin na ang ating plataporma ay hindi magagamit sa pagpapalaganap ng anumang uri ng pagkamuhi o karahasan. Ang ating pangunahing layunin bilang isang organisasyon ay ipalaganap ang Islam bilang positibo at kailangang pangrelihiyon lamang. Kung ang isang tagapagsalita ay gagamitin tayo upang ipalaganap ang anumang uri ng pagkamuhing pananalita, ito ay mauuwi laban sa ating pangunahing mga paniniwala. 

1.2 Ang Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay may karapatang kanselahin ang reserbasyon kung nakikita na ito ay kailangang gawin.

1.3 Nauunawaan ng Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ang kahalagahan ng pagtiyak na ang lahat ng mga salita at mga talumpati ay naaayon sa kinakailangan sa Islam. Dapat nating tiyakin na ang ating mga gawain ay nagpapalaganap ng magandang ugnayan, pagkakaisa at paggalang sa pagitan ng lahat ng mga komunidad, mga paniniwala at mga lahi.

1.4 Naaayon sa kinakailangan sa Islam ay dapat din nating tiyakin na ang wika na gagamitin ng ating mga tagapagsalita ay naaayon sa magandang pag-uugali   para sa pagsasalita na binanggit sa Qur'an at Sunnah. 


2. Layunin ng Patakaran 

1.3 Upang pangalagaan ang kalayaan sa pagsasalita ng naaayon sa batas.

1.4 Upang tiyakin na ang Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay hindi magamit bilang isang plataporma sa paghihikayat o pagpuri sa terorismo, nag-uudyok ng pagkamuhi sa lahi o relihiyon, nag-uudyok sa mga gawaing masama  o mga paglabag sa pampublikong ordinansa.

1.5 Upang pangalagaan ang reputasyon ng Sugo ng Akademya ng Kapayapaan.


3. Pamamaraan

2.1 Mga Karapatan at Pananagutan 

2.1.1 Bagama't pinagtibay natin ang mga karapatan ng mga tagapagsalita na ipahayag ang kalayaan sa pagsasalita mahalaga na bigyan-diin na ang kalayaan sa pagsasalita ay may limitasyon. Samakatuwid, ang kalayaan sa pagsasalita ng ating mga tagapagsalita ay mahigpit  na ipinagbabawal kung:

• Ang tagapagsalita ay maaaring maghikayat sa mga tagapakinig na gumawa ng isang krimen.

• Diskriminasyon laban sa isang protektadong grupo.

• Hikayatin ang iba na gumawa ng terorismo o purihin ang terorismo, direkta o hindi direkta. 

• Maaaring makasakit o makapinsala sa iba o makapagpa-antala sa tungkulin ng Sugo ng Akademya ng Kapayapaan.

Dapat tiyakin ng mga tagapagsalita na ang lahat ng sasabihin ay hindi naglalaman ng anumang bagay na kalakip ng anumang binanggit sa itaas, direkta o hindi direkta.


2.1.2 Ang Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay naglalayong panatilihin ang kaugalian ng Sunna sa Islamikong mga katuruan. Mahalaga na itala na ang ganitong katuruan ay mapalibutan ng isang malawak na saklaw ng mga opinyon sa ilang Islamikong lugar. Ang Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay tumatanggap ng kaibahan sa mga opinyon na nakapaloob sa Islamikong pag-iisip. 


Sa anumang pangyayari kung saan ang isang tagapagsalita ay maaaring magbigay ng mga pananaw kung saan maaaring maling maiugnay ang Sugo ng Akademya ng Kapayapaan, sa gayon ay nakalaan sa amin ang karapatang hindi payagan ang mga ito na magpatuloy.