Terms and Conditions
_______________________________________________________
Mga Alituntunin at Kondisyon
Pangkalahatang Pagsusuri
Ang website na ito ay pinapatakbo ng Sugo ng Akademya ng Kapayapaan (MPA), isang sangay ng eDialogue Center. Sa kabuuan ng site, ang mga katagang “kami", “tayo", at “ating" ay tumutukoy sa Sugo ng Akademya ng Kapayapaan (MPA). Ang MPA ay inihahandog ang website na ito, kabilang ang lahat ng impormasyon, mga mapagkukunan at mga serbisyo maaaring gamitin mula sa website na ito ay para sa iyo, ang tagagamit, ay may kondisyon sa pagtanggap sa lahat ng mga alituntunin, kondisyon, patakaran at mga babala na nakasaad dito.
Sa pagbisita sa aming website at/o pagrehistro sa Akademya, ikaw ay nakilahok sa aming “Serbisyo" at sumasang-ayon na nakapaloob sa mga sumusunod na alituntunin at mga kondisyon (“Mga Alituntunin at Kondisyon”, “Mga Alituntunin”, “Mga Alituntunin at Kondisyon”), kabilang ang mga karagdagang alituntunin at kondisyon at mga patakaran na may kinalaman dito at/o magagamit sa pamamagitan ng hyperlink. Ang mga Alituntunin at Kondisyon ito ay naaangkop sa lahat ng mga tagagamit o mag-aaral ng site, kabilang ang mga tagagamit na tumitingin sa website ng walang limitasyon, mga nagtitinda, mga mamimili, mga mangangalakal, at/o mga nag-aambag ng nilalaman.
Mangyari basahing mabuti ang mga Alituntunin at Kondisyon bago sumali o gumamit ng aming website. Sa pagpasok o paggamit ng anumang bahagi ng site, ikaw ay pumapayag na sumailalim sa mga Alituntunin at Kondisyong ito. Kung hindi ka pumapayag sa lahat ng alituntunin at mga kondisyon sa kasunduang ito, sa gayon ay maaari na hindi mo pasukin ang website o hindi gamitin ang anumang mga serbisyo. Kung ang mga Alituntunin at Kondisyong ito ay itinuturing na isang handog, ang pagtanggap ay sinasabing limitado sa mga Alituntunin at Kondisyong ito.
Anumang mga bagong paksa o serbisyo o mga mapagkukunan na idinagdag sa dating nakatabi ay nasasakop din mga Alituntunin at mga Kondisyon. Maaari mong balikan ang mga nakaraang salaysay ng mga Alituntunin at Kondisyon anumang oras sa pahinang ito. Taglay namin ang karapatang magbago, baguhin o palitan ang anumang bahagi ng mga Alituntunin at Kondisyong ito sa pamamagitan ng pagpaskil ng mga binago at/o mga pagbabago sa ating website. Tungkulin mo na bisitahin ang pahinang ito paminsan-minsan para sa mga pagbabago. Ang iyong patuloy na paggamit o pagpasok sa website, pagsubaybay sa anumang pagbabago na mga nakapaskil ay nagpapatunay ng pagtanggap sa nasabing mga pagbabago.
Katangiang Angkop
Sa paggamit ng mga serbisyo, ikaw ay kumakatawan at nagpapatunay na ang lahat ng impormasyon sa rehistrasyon na iyong ibinigay ay tapat at totoo; na iyong pananatilihin ang katotohanan ng nasabing impormasyon (kabilang na rito ang address sa email); kung saan ang rehistrasyon bilang isang miyembro ay kinakailangan upang magamit ang isang Serbisyo ikaw ay 16 na taon o pataas; at na ang iyong paggamit ng serbisyo ay hindi lalabag sa anumang naaangkop na batas o patakaran.
Password
Sa iyong pagpapatala upang maging isang miyembro, ikaw rin sasabihan na pumili ng isang password. Ikaw ay may kabuuang tungkulin na pangalagaan ang pagiging pribado ng iyong password. Ikaw ay sumasang-ayon na hindi gamitin ang account, pangalan ng tagagamit, o password ng ibang miyembro sa lahat ng oras o ibahagi ang iyong password sa anumang iba pang partido. Ikaw ay sumasang-ayon na agarang aabisuhan ang mopacademy.org sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa info@mopacademy.org kung pinaghihinalaan mo ang anumang hindi pinahihintulutang paggamit ng iyong account o paggamit ng iyong password. Ikaw lamang ang tanging responsable sa anuman at lahat ng paggamit ng iyong account.
Hindi Pangkomersyong Paggamit
Ang serbisyo handog ng Sugo ng Akademya ng Kapayapaan ay para sa pansariling paggamit ng mga tagagamit o mag-aaral, kung saan tinukoy, mga miyembro lamang at hindi maaaring gamitin na may kaugnayan sa anumang ginagawang komersyo maliban kung saan at lawak ng partikular na nilagdaan o inaprubahan ng eDialogue Center. Ang lahat sa batas at/o ang hindi pinahihintulutang paggamit ng mga serbisyo, kabilang ang pagkolekta ng pangalan ng mga tagagamit at/o ang mga address ng email ng mga miyembro sa pamamagitan ng elektroniko o iba pang uri ng kadahilanan ng pagpapadala ng mga hindi hinihingi na email o hindi pinahihintulutang pagbalangkas o pag-uugnay sa website ay ipinagbabawal. Ang mga link ay maaaring alisin ayon sa aming kapasyahan sa anumang dahilan. Ang pagkilos ayon sa batas ay maaaring gawin bagay sa aumang paglabag sa batas o hindi awtorisadong paggamit ng website.
Bahagi 1 – Mga Alituntunin sa online
Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa mga Alituntunin at mga Kondisyon, ay pinatutunayan mo na ikaw ay hindi bababa sa edad ng karamihan sa inyong bayan o probinsya na tinitirhan, o ikaw ay nasa edad ng karamihan sa inyong bayan o probinsya na tinitirhan at binibigyan mo kami ng pahintulot na payagan sinumang menor de edad sa iyong na gamitin ang site na ito.
Hindi mo maaaring gamitin ang aming mga produkto sa anumang masama o hindi awtorisadong dahilan kahit na ikaw, sa paggamit ng serbisyo, ang paglabag sa anumang batas na iyong nasasakupan (kabilang nguni't hindi limitado sa batas ng may karapatang magpalathala (copyright law).
Hindi ka dapat magpadala ng mga virus na makakasira sa anumang code na isang mapanirang kalikasan.
Ang hindi pagtupad o paglabag sa anumang mga Alituntunin at magbubunga ng isang agarang pagtatapos ng iyong mga serbisyo.
Bahagi 2 – Pangkalahatang mga Kondisyon
Taglay namin ang karapatang tanggihan ang serbisyo ng sinuman sa anumang dahilan sa lahat ng oras.
Naiintindihan mo na ang iyong impormasyon (hindi kabilang ang impormasyon sa credit card), ay maaaring ilipat ng hindi naka-encrypt at kasama ang mga paglilipat sa ibat-ibang mga network at mga pagbabago upang sumunod at masanay sa mga kinakailangang teknikal sa pagkonekta sa mga network o aparato. Ang impormasyon sa credit card ay pribado sa panahon ng paglipat sa isang mga network.
Ikaw ay sumasang-ayon na hindi gagawa ng mga marami, gagayahin, kokopyahin, ibebenta, muling ibebenta o gamitin o samantalahin ang anumang bahagi ng serbisyo, ang paggamit ng serbisyo, pagpasok sa serbisyo o anumang may kaugnayan sa website kung saan ang serbisyo ay binibigay, ng walang malinaw na nakasulat na pahintulot mila sa amin.
Ang mga pamagat na ginamit sa kasunduang ito ay kasama para sa kabutihan lamang at hindi limitado o gayunpaman ay hindi makakaapekto sa mga alituntuning ito.
Bahagi 3 – Ang Kawastuhan, Pagiging Kumpleto at Napapanahong Impormasyon
Kami ay walang pananagutan kung impormasyong binigay sa site na ito ay hindi wasto, hindi kumpleto o hindi bago. Ang mga kagamitan sa site na ito ay nakatalaga para sa pangkalahatang impormasyon lamang at hindi dapat asahan o gamitin bilang tanging basehan sa paggawa ng mga desisyon ng hindi muna sumasangguni, mas wasto, mas kumpleto o mas napapanahong mapagkukunan ng impormasyon. Anumang pagtitiwala sa mga mapagkukunan o kagamitan sa site na ito ay nasa iyong sariling panganib.
Ang site na ito ay maaaring naglalaman ng tiyak na impormasyong pangkasaysayan. Makasaysayang impormasyon, kinakailangan, hindi pangkasalukuyan at ibinigay para sa iyong sanggunian lamang. Taglay namin ang karapatang baguhin ang mga nilalaman ng site na ito sa anumang oras, nguni't wala kaming obligasyon na baguhin ang anumang impormasyon sa ating site. Ikaw ay sumang-ayon na tungkulin mong subaybayan ang mga pagbabago sa ating site.
Bahagi 4 – Mga Pagbabago sa Serbisyo at mga Presyo (kung may bayad)
Ang mga presyo sa ating mga produkto ay napapailalim sa pagbabago ng walang abiso. Taglay namin ang karapatang magbago anumang oras o ihinto ang serbisyo (o anumang bahagi o nilalaman na nakapaloob dito) ng walang abiso anumang oras.
Wala kaming pananagutan sa iyo o sa sinumang ikatlong-partido para sa anumang pagbabago, pagbabago ng presyo, pagsuspinde o paghinto ng Serbisyo.
Bahagi 5 – Mga Produkto o Mga Serbisyo (kung naaangkop)
Ang ilang mga produkto o mga serbisyo ay maaaring makita lamang sa online sa pamamagitan ng website. Ang mga produkto o mga serbisyong ito ay maaaring limitado ang bilang at napapailalim sa pagsasauli o pagpapalit lamang naaayon sa ating Patakaran sa Pagsasauli.
Ginawa namin ang bawat pagsisikap na maipakita ng mas wasto hangga’t maaari ang mga kulay at nga disenyo ng mga produkto na makikita sa tindahan. Hindi namin maipapangako na ang mga kulay na makikita sa monitor ng iyong kompyuter ay tama.
Taglay namin ang karapatan nguni't hindi obligado na limitahan ang pagbebenta ng aming mga produkto o mga serbisyo sa sinumang tao, pangheograpikong rehiyon o saklaw. Maaari naming sanayjn ang karapatang ito depende sa sitwasyon. Taglay namin ang karapatang limitahan ang bilang ng mga produkto o mga serbisyo na aking iniaalok. Anglahat ng uri ng mga produkto o presyo ng produkto ay maaaring baguhin anumang oras ng walang abiso, tanging kami lamang ang magpapasya. Taglay namin ang karapatang patigilin ang anumang produkto sa anumang oras. Anumang iniaalok sa anumang produkto o serbisyo na ginawa sa site na ito ay walang bisa kung saan ito ay ipinagbabawal.
Hindi namin ginagarantiyahan na ang Kalidad ng anumang mga produkto, mga serbisyo, impormasyon, o iba pang kagamitan na binili o inyong nakuha ay pasado sa inyong inaasahan, o na ang anumang pagkakamali sa serbisyo ay itatama.
Bahagi 6 - Tamang Paniningil at Impormasyon ng Account
Taglay namin ang karapatang tumaggi sa anumang binili ninyo sa amin. Sa aming pagpapasya ay maaari naming limitahan o kanselahin ang mga bilang na binili ng bawat tao, bawat tahanan o bawat binili. Maaaring kabilang sa paghihigpit na ito ang mga binili sa pamamagitan o sa ilalim ng iisang account ng mamimili, iisang credit card, at/o binili na pareho ang ginagamit na lugar ng paniningilan at/o ng lugar na tirahan. Kung mangyayari na kami ay gumawa ng isang pagbabago o kanselahin ang binili, ay susubukan namin na kayo ay abisuhan sa pamamagitan ng pagpapadala ng email at/o lugar na tirahan/numero ng telepono na binigay sa panahon na ginawa ang mamimili. Taglay namin ang karapatang limitahan o pagbawalan ang mga binili na, sa aming tanging paghatol, ay nagpapakita na binili ng mga negosyante, isang taong nagbebenta ng isang bagay na binili sa iba o mga tagapamahagi.
Ikaw ay sumasang-ayon na ibigay ang bago, kumpleto at tamang binili at impormasyon para sa lahat ng mga pamimili na ginawa sa aming tindahan. Ikaw ay sumasang-ayon na kaagad babaguhin ang iyong account at iba pang impormasyon, kabilang ang address ng iyong email at numero ng creditcard at petsa ng Pagtatapos ng sa gayon ay makumpleto namin ang iyong transaksyon at tatawagan kayo kung kinakailangan.
Bahagi 7 – Mga Kagamitang Pamimilian
Maaari ka naming tulungang mapasok ang mga kagamitan o mapagkukunan ng ikatlong partido kung saan aming binabantayan o may anumang kontrol o sistema.
Tinanggap mo at pinayagan na magbigay kami ng daan na makapasok sa nasabing mga mapagkukunan “tulad nito" at “kung ano ang mayroon" ng walang anumang kasiguruhan, representasyon o paglalarawan o anumang uri ng mga Kondisyon at ng walang anumang pahintulot. Wala kaming pananagutan sa kung anuman ang nagmumula sa o ugnayan sa iyong Hindi sapilitang paggamit ng kagamitan o mapagkukunan ng ikatlong partido.
Anumang paggamit mo ng di sapilitang mga kagamitan na inialok sa buong site ay ganap na sa iyong sariling peligro at paghusga at dapat mong tiyakin na ikaw ay pamilyar dito at aprubado ng mga alituntunin kung saan ang mga kagamitan ay ibigay ng may kaugnayang tagabigay na ikatlong partido.
Kami rin ay maaaring (sa hinaharap) mag-alay ng mga bagong serbisyo at/o mga palabas sa pamamagitan ng website ( kabilang ang paglabas ng mga bagong kagamitan at mga mapagkukunan). Ang ganitong mga palabas o nilalaman at/o mga serbisyo ay kasama rin sa mga Alituntunin at mga Kondisyong ito.
Bahagi 8 – Mga Link ng Ikatlong Partido
Ilang tiyak na nilalaman, mga produkto, at mga serbisyo ay magagamit sa pamamagitan ng aming Serbisyo kabilang na ang mga kagamitan mula sa ikatlong partido.
Ang mga link mula sa ikatlong partido sa site na ito ay maaaring magdirekta sa iyo sa ikatlong partido ng mga website na hindi namin kaanib. Hindi kami responsable sa pagsisiyasat o pagsusuri ng nilalaman o pagiging wasto at hindi namin ginagarantiyahan at wala kaming pananagutan o tungkulin sa anumang kagamitan ng ikatlong partido o mga website, o sa anumang iba pang mga kagamitan, mga produkto o mga serbisyo ng mga ikatlong partido.
Wala kaming pananagutan sa anumang pinsala o pagkasira na may kaugnayan sa binili o paggamit ng mga produkto mga serbisyo, mga mapagkukunan, nilalaman, o iba pang mga transaksyon na ginawa na may koneksyon sa anumang website ng ikatlong partido. Mangyari lamang na suriing mabuti ang mga patakaran ng ikatlong partido at mga pagsasanay at tiyakin na naiintindihan mo ang lahat ng ito bago ka pumasok sa anumang transaksyon.
Mga reklamo, paghahabol, pag-aalala, o mga katanungan tungkol sa mga produkto ng ikatlong partido ay dapat na diretso sa ikatlong partido.
Bahagi 9 – Mga Komento ng Tagagamit, Puna at iba pang Pagsusumite
Kung sa ating kahilingan, ay nagpadala ka ng partikular na pagsusumite (halimbawa pagsali sa patimpalak) o walang aplikasyon o kahilingan mula sa amin ay nagpadala ka ng isang malikhaing ideya, mga mungkahi, mga panukala, mga plano, o iba pang mga kagamitan, maging sa online, sa pamamagitan ng email, sa pamamagitan ng pagpapadala sa koreo, o kung hindi man (sama-sama, mga komento), pumapayag ka na maaari naming, sa kahit na anong oras, ng walang pagbabawal, baguhin, kopyahin, ilabas, ipamahagi, isalin, at di kaya'y gamitin sa anumang kagamitan o anumang mga komento na ipinadala sa amin. Kami ay walang obligasyon (1) na panatilihin ang anumang mga komento tungkol sa pagtitiwala, (2) upang bayaran ang kompensasyon para sa anumang nga komento; (3) sagutin ang anumang mg komento.
Maaari namin, nguni't wala kaming obligasyon na, sumubaybay, magbago, o mag-alis ng nilalaman na ayon sa sarili naming palagay ay ipinagbabawal, nakakapinsala, pagbabanta, libeloso, paninirang-puri, malaswa, mahalay, o di kaya ay hindi kanais-nais o nilalabag ang anumang pangkaisapang pag-aari o mga Alituntunin at mga Kondisyong ito.
Sumasang-ayon is na ang iyong mga komento o puna ay hindi lalabag sa anumang karapatan ng anumang partido, kasama ang karapata ng paglalathala o kopirayt, tatak ng kalakal, paggoing pribado, pagkatao, o iba pang pansarili o karapatan ng pagmamay-ari. Ikaw ay higit na sumasang-ayon na ang iyong mga komento ay hindi naglalaman ng paninirang-puri o di kaya'y ipinagbabawal, mapang-abuso o malaswang kagamitan, o naglalaman ng anumang virus sa kompyuter o iba pang malware na maaaring makaapekto (sa anumang paraan) sa operasyon o pagpapatakbo ng Serbisyo o anumang may kaugnayan na website. Hindi mo maaaring gamitin ang isang huwad na address ng email, magpanggap na ibang tao ng higit sa iyong sarili, o di kaya'y iligaw kami o ang ikatlong partido bilang pinagmulan ng anumang mga komento. Ikaw ay lamang ang may pananagutan sa anumang mga komento na iyong ginawa at ang kanilang kawastuhan. Wala kaming tungkulin o pananagutan sa anumang mga komento na iyong ipinaskil o ng sinumang ikatlong partido.
Bahagi 10 – Pansariling Impormasyon
Ang iyong pagsusumite o pagbibigay ng pansariling impormasyon sa pamamagitan ng pamilihan ay pinamamahalaan ng aming Polisiya o Patakaran sa Pangangalaga ng mga Datos.
Bahagi 11 – Mga Pagkakamali, Hindi Pagiging Tumpak at Mga Kakulangan
Paminsan-minsan ay maaaring may impormasyon sa ating site o sa Serbisyo na may mali sa paggawa ng nakalimbag na bagay o produkto, hindi pagiging wasto o mga kakulangan na may kinalaman sa mga paglalarawan ng produkto, paglalagay ng presyo, pagpapalaganap, pag-aalok, singil sa pagpapadala ng produkto, oras ng pagbiyahe at kakayahang makuha ang produkto. Taglay namin ang karapatang itama ang anumang pagkakamali, hindi pagiging wasto o mga kakulangan, at palitan o gawing napapanahon ang impormasyon o kanselahin ang mga binili kung ang anumang impormasyon sa Serbisyo o sa anumang may kinalaman sa website na hindi wasto sa lahat ng oras ng walang abiso (kasama ang pagkatapos ng iyong pamimili).
Wala kaming obligasyong mag-update, baguhin o linawin ang impormasyon sa Serbisyo o sa anumang may kinalaman sa website, kabilang ang walang limitasyon, pagbibigay ng presyo, maliban kung ito ay kinakailangan ng batas.
Walang tiyak na pagbabago o ibalik ang Petsa ng aplikasyon sa Serbisyo o sa anumang may kaugnayan sa website na dapat gawin na magpapakita na ang lahat ng impormasyon sa Serbisyo o sa anumang may kaugnayan sa website ay nabago o napapanahon na.
Bahagi 12 – Ipinagbabawal na mga Paggamit
Bilang karagdagang sa iba pang pinagbabawal na itinalagang mga Alituntunin at mga Kondisyon, pinagbabawalan kang gumamit ng site o ang nilalaman nito kung ito ay: (a) para sa anumang paglabag sa batas na kadahilanan; (b) upang manghingi sa iba para magsagawa o makisali sa anumang labag sa batas na mga gawain; (c) upang labagin ang anumang pandaigdigan, pang-pederal, panlalawigan o pambansang mga patakaran, mga alituntunin, mga batas, o mga lokal na ordinansa; (d) upang makalabag o labagin ang ating karapatan sa pangkaisapang pagmamay-ari o karapatan sa pangkaisapang pagmamay-ari ng iba; (e) upang makapaminsala, mang-abuso, mang-insulto, manakit, manghiya, manirang-puri, manghamak, mang-inis, o manghamak base sa kasarian, sekswal, posisyon ng isang tao o bagay, relihiyon, pagiging katutubo, lahi, edad, bansa o lugar na pinagmulan, o kapansanan; (f) pagsumite ng mali o nakaliligaw na impormasyon; (g) mag-upload o magpadala ng mga virus o anumang ibang uri ng malisyosong mga alituntunin o code na pwede o maaaring gamitin sa anumang paraan na makakaapekto sa pagpapaandar o pagpapatakbo ng Serbisyo o anumang may kaugnayan sa website, ibang mga website, o ng internet; (h) upang mangolekta o subaybayan ang pansariling impormasyon ng iba; (i) upang makapagpadala ng parehong mensahe, makapanlinlang, makakuha ng personal na impormasyon tulad ng password at iba pa, magbalatkayo, manloko gamit ang maningning na mga salita, lumikha ng isang palatandaan ng datos, o kopyahin ang datos mula sa isang website; (j) para sa anumang malaswa o imoral na kadahilanan; o (k) upang makagambala o dayain ang seguridad na nakatala sa Serbisyo o anumang may kaugnayan sa website, ibang website, o internet. Taglay namin ang karapatang ihinto ang iyong paggamit ng Serbisyo o anumang may kaugnayan sa website para sa anumang paglabag sa ipinagbabawal na paggamit.
Bahagi 13 – Hindi Pagtanggap ng mga Garantiya; Limitasyon sa Pananagutan
Hindi natin ginagarantiyahan, kumakatawan o tinitiyak na ang iyong paggamit ng ating serbisyo ay hindi mapuputol, napapanahon, ligtas o walang pagkakamali.
Hindi namin tinitiyak na ang mga resulta na maaaring makuha mula sa paggamit ng serbisyo ay magiging tumpak o mapagkakatiwalaan.
Ikaw ay sumasang-ayon na paminsan-minsan ay maaari naming alisin ang serbisyo sa walang katiyakang panahon o kanselahin ang serbisyo anumang oras, ng hindi ka inaabisuhan.
Ipinakita mo na ikaw ay sumasang-ayon na ang iyong paggamit, o ang walang kakayahang paggamit, ang serbisyo ay nasa iyong sariling panganib. Ang tungkulin at ang lahat ng mga produkto at mga ipinadala sa iyo sa pamamagitan ng serbisyo ay (maliban sa aming pinahayag) ibinigay “kung ano ito” at “kung ano ang mayroon” para sa iyong paggamit, na walang anumang representasyon, kasiguruhan o anumang mga kondisyon, maging sa pahayag o ipinahihiwatig, kabilang na ang lahat ng ipinahihiwatig na kasiguruhan o mga kondisyon ng mangangalakal, kalidad na mabibili, kaangkupan para sa isang partikular na dahilan, tibay, titulo, at hindi paglabag.
Sa anumang kaso ang eDialogue Center, ang ating mga tagapangasiwa, mga pinuno, mga manggagawa o kawani, mga kaanib, mga ahente, mga kontratista, mga mag-aaral na nagsasanay, mga tagapagtustos, mga nagbibigay ng serbisyo o mga tagapag-ayos ng lisensya ay may pananagutan sa anumang pinsala, pagkawala, paghahabol, o anumang direkta, hindi direkta, hindi sinasadya, kaparusahan, espesyal, o anumang uri ng pagkakasunod-sunod na pagkasira, kabilang, ang walang limitasyon na pagkawala ng mga tubo, pagkawala ng kita, pagkaubos ng mga ipon, pagkawala ng datos, kapalit ng mga nagastos o anumang magkatulad na pagkasira, maging ito ay nakasaad sa kontrata, isang maling gawain ( kabilang ang kapabayaan) mahigpit na pananagutan o di kaya'y nagmula sa iyong paggamit ng anuman sa serbisyo o anumang produkto na nakuha gamit ang serbisyo, o para sa iba pang paghahabol na may kinalaman sa iyong paggamit ng serbisyo sa anumang paraan o anumang produkto, kabilang nguni't hindi limitado sa anumang pagkakamali o mga kakulangan ng anumang nilalaman, o anumang pagkawala o pagkasira ng anumang bagay na natamo na naging resulta sa paggamit ng serbisyo o anumang nilalaman (o produkto) na nakapaskil, ipinadala, o di kaya'y maaaring makuha sa pamamagitan ng serbisyo, kahit na ang pagapapayo na posibleng mangyari. Dahil ang ilang mga bansa o mga nasasakupan ay hindi pinapayagan ang pagbubukod o ang limitasyon ng pananagutan para sa kahihinatnan o hindi sinasadyang pagkasira, sa ganitong mga estado o mga saklaw, ang ating pananagutan ay magiging limitado sa pinakamalawak na saklaw na pinapayagan ng batas.
Bahagi 14 – Pagbabayad ng Pinsala
Ikaw ay sumasang-ayon na magbayad ng pinsala, ipagtanggol at hawakan ng hindi makakasama ang Sugo ng Akademya ng Kapayapaan at ang ating magulang, mga sangay, mga kaanib, mga kasosyo, mga pinuno, mga tagapangasiwa, mga ahente, mga kontratista, mga tagapagsaayos ng lisensya, mga nagbibigay ng serbisyo, mga subkontraktor, mga tagapagtustos,mga mag-aaral na nagsasanay, at mga kawani o manggagawa, ay hindi mapipinsala mula sa anumang paghahabol o demanda, kabilang ang halaga ng binayad sa abogado, na ginawa ng anumang ikatlong partido dahil sa o lumitaw sa iyong paglabag sa mga Alituntunin at mga Kondisyong ito o mga dokumento na kanilang isinama sa pamamagitan ng sertipikasyon o iyong paglabag sa anumang batas I karapatan ng isang partido.
Bahagi 15 – Kabigatan
Sa pagkakataon na may anumang probisyon sa mga Alituntunin at mga Kondisyong ito na napatunayan na ipinagbabawal, walang bisa o hindi maipatupad, ang probisyong ito gayunpaman ay dapat ipatupad ang pinakabuong saklaw na pinapayagan ng naaangkop na batas, at ang hindi maipatupad na bahagi ay dapat ituring na malubha mula sa mga Alituntunin at mga Kondisyong ito, ang ganitong pagpapasya ay dapat na hindi makaapekto sa pagiging tama o pagpapatupad ng anumang natitirang mga probisyon.
Bahagi 16 – Pagsasawalang-bisa o Pagwawakas
Ang mga obligasyon at mga pananagutan ng mga ganap na partido base sa petsa ng pagtatapos ay dapat na hindi kabilang sa pagtatapos ng kasunduan o kontratang ito sa anumang mga kadahilanan.
Ang mga Alituntunin at mga Kondisyon ay mabisa maliban na lamang at hanggang ipawalang-bisa o kanselahin mo o namin. Maaari mong ipawalang-bisa ang mga Alituntunin at mga Kondisyong ito anumang oras sa pamamagitan ng pagpapahayag sa amin na ayaw mo ng gamitin ang aming mga Serbisyo, o kapag huminto ka na sa paggamit ng aming site.
Kung sa aming tanging paghatol ay nabigo ka, o sa aming palagay ay nabigo ka, na sumunod sa anumang patakaran o probisyon ng mga Alituntunin at mga Kondisyon, ay maaari rin naming tapusin o ipawalang-bisa ang kasunduang ito anumang oras ng walang abiso at ikaw ay mananatiling may pananagutan sa lahat ng halaga na dapat bayaran magmula at kabilang ang petsa ng pagtatapos; at/o dahil dito ay maaaring tanggihan ang iyong pagpasok sa aming Serbisyo (o anumang bahagi ng nilalaman nito)
Bahagi 17 – Buong Kasunduan
Ang pagkabigo naming sanayin o ipatupad ang anumang karapatan o probisyon sa mga Alituntunin at mga Kondisyong ito ay hindi dapat bumuo ng isang paghahabol sa nasabing karapatan o probisyon.
Ang mga Alituntunin at mga Kondisyong ito at anumang may patakaran o regulasyon ng pagpapatakbo na ating nakapaskil sa site na ito o sa paggalang sa Serbisyo na bumubuo sa buong kasunduan o kontrata at unawaan sa pagitan natin at namamahala sa iyong paggamit ng serbisyo, pagpapalit ng anumang bago o kaalinsabay ng mga kasunduan, mga komunikasyon at mga panukala, maging sa salita o kasulatan, sa pagitan mo at namin (kabilang nguni't hindi limitado sa anumang bagong mga bersyon o pahayag ng mga Alituntunin at mga Kondisyon).
Anumang kalabuan sa pagpapakahulugan o interpretasyon ng mga Alituntunin at mga Kondisyong ito ay hindi dapat ipakahulugan laban sa partidong bumuo.
Bahagi 18 – Namamahala ng Batas
Ang mga Alituntunin at mga Kondisyong at anumang nakahiwalay na mga kasunduan kung saan nagbigay kami ng mga Serbisyo ay dapat na pinamamahalaan at binibigkas ng naaayon sa batas ng Kaharian ng Saudi Arabia.
Bahagi 19 – Mga Pagbabago gas mga Alituntunin at mga Kondisyon
Maaari mong suriin ang pinakabagong bersyon ng mga Alituntunin at mga Kondisyon anumang oras sa pahinang ito.
Taglay namin ang karapatan, sa sarili naming pagpapasya, na gawing napapanahon, baguhin o palitan ang anumang bahagi ng mga Alituntunin at mga Kondisyong ito sa pamamagitan ng pagpaskil ng mga napapanahon at mga pagbabago sa aming website. Tungkulin mong bisitahin ang aming website paminsan-minsan para sa mga pagbabago. Ang iyong patuloy na paggamit o pagpasok sa aming website o Serbisyo, pagsubaybay sa mga nakapaskil na mga pagbabago sa mga Alituntunin at mga Kondisyon ay nagpapahiwatig ng pagtanggap sa nasabing mga pagbabago.
Bahagi 20 – Impormasyon na Matatawagan
Ang mga katanungan tungkol sa mga Alituntunin at mga Kondisyon ay dapat ipadala sa amin sa: info@mopacademy.org